2 bata nasawi sa pananalasa ng habagat sa Camarines Sur

By Justinne Punsalang June 12, 2018 - 04:19 AM

Nasawi ang dalawang batang magkapatid matapos manalasa ang habagat sa Camarines Sur.

Kwento ng ina ng 6 at 12 taong gulang na mga bata na si Edlyn Dela Cruz, naputol at nahulog ang isang puno sa kanilang bahay sa Barangay Mataoroc sa bayan ng Minalabac.

Dahilan ito upang kapwa maipit ang magkapatid.

Maging si Dela Cruz na anim na buwang buntis ay naipit rin, ngunit maswerteng pamamaga lamang ng kanyang paa ang natamo nito.

Ayon sa kinakasama ni Dela Cruz na si Roberto Bolor, agad siyang humingi ngtulong upang masagip ang kanyang mag-iina, ngunit dahil sa laki ng pinsalang natamo ng mga bata ay binawian sila ng buhay.

 

 

 

TAGS: camarines sur, Hanging Habagat, camarines sur, Hanging Habagat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.