Sen. Poe, inalala si dating National Security Adviser Roilo Golez

By Justinne Punsalang June 12, 2018 - 02:13 AM

Isang magaling na public servant.

Ganito inilarawan ni Senadora Grace Poe ang pumanaw na dating National Security Adviser at Representative Roilo Golez.

Sa isang pahayag ay inalala at nagpasalamat ang senadora kay Golez.

Ani Poe, isa si Golez sa mga nakikipaglaban sa soberanya ng bansa partikular sa West Philippine Sea. Hindi umano ito napapagod na ibahagi ang kanyang pananaw upang matulungan ang mga Pilipino na maintindihan ang naturang isyu.

Malaking tulong aniya ang mga adbokasiya ni Golez upang mabuo ang security policy ng bansa.

Ayon sa senadora, isa si Golez sa mga kakaunting tao na mayroong mataas na kaalaman tungkol sa geopolitics, ekonomiya, agham, pamamahala, at lalo na sa national security.

Dagdag pa ni Poe, sa pagkawala ni Golez ay nawalan rin ng isang freedom fightter at magaling na public servant ang Pilipinas.

TAGS: grace poe, Roilo Golez, grace poe, Roilo Golez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.