Presyo ng gasolina, diesel at gaas may rollback bukas

By Den Macaranas June 11, 2018 - 06:29 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Nag-anunsyo na ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga oil companies simula bukas ng umaga.

Sa kanilang isinumiteng advisory sa Department of Energy, umaabot sa P0.60 per liter ang kaltas sa halaga ng diesel.

Aabot naman sa P0.55 ang bawas sa kada litro ng gasolina samantalang P0.60 naman sa kerosene o gaas.

Kabilang sa mga nag-anunsyo na magpapatupad ng rollback simaula bukas ng alas-sais ng umaga ay ang Seaoil, PTT, Caltex, Petron, Shell at Flying V.

Inaasahan naman na susunod rin dito ang ilan pang mga kumpanya ng langis.

Noong nakalipas na araw ng Martes ay nagpatupad rin kakarampot na rollback ang mga oil companies.

TAGS: diesel, DOE, gasoline, kerosene, rollback, diesel, DOE, gasoline, kerosene, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.