Counter assistant huli sa pagnanakaw ng lipstick sa binabantayang tindahan sa mall sa Maynila

By Ricky Brozas June 11, 2018 - 08:03 AM

Arestado ang isang babaeng counter assistant sa isang Department Store sa Maynila makaraang mahuli sa akto ng pagnanakaw ng lipstick.

Kinilala ang suspek na si Mariana Bringas, 25-anyos, counter assistant sa SM San Lazaro, Sta. Cruz, Manila.

Kuwento ng civilian guard ng Department Store na si Joselito Cornillo Jr., nakita niya mismo ang suspek habang inilalagay sa kanyang shoulder bag ang isang Ever Bilena lipstick.

Nagkakahalaga lang ng P180.00 ang nasabing item.

Nang sitahin kung nasaan ang kanyang resibo ay walang maipakita ang suspek dahilan para siya’y arestuhin.

Kasong pagnanakaw ang kahaharapin ng suspek sa piskalya ng Maynila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: counter assistant, Radyo Inquirer, SM San Lazaro, theft, counter assistant, Radyo Inquirer, SM San Lazaro, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.