Lalaki nagpatiwakal sa isang mall sa Rizal

By Justinne Punsalang June 11, 2018 - 01:06 AM

John Kenneth Quimba photo

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos itong magpatiwakal sa isang mall sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Kinilala ang nagpatiwakal na lalaki na si Jonil Oroña na residente ng Barangay Dela Paz sa Antipolo.

Hapon ng Linggo nang tumalon si Oroña mula sa ikaapat na palapag ng Sta. Lucia East Mall.

Sinubukan pa itong dalhin sa Amang Rodriguez Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Narekober mula sa bulsa ng lalaki ang isang suicide note.

Ayon sa ama ng lalaki, humingi muna ito ng tawad sa lahat ng kanyang kamalia bago umalis ng bahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.