Alaska Aces tinalo ang Magnolia Hotshots sa PBA Commissioner’s Cup

By Justinne Punsalang June 11, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):

Pasok na sa quarterfinals ng 2018 PBA Commissioner’s Cup ang Alaska Aces.

Ito ay matapos talunin ng koponan ang Magnolia Hotshots sa kanilang naging tapatan sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Natapos ang laban sa iskor na 103-99, pabor sa Aces.

Dahil dito, nasa ikalawang pwesto na sa torneo ang Aces kasama ang TNT Ka-Tropa.

Ayon sa head coach ng Alaska na si Alex Compton, naging maganda ang laro ng buong koponan.

Nanguna para sa Alaska si Vic Manuel sa pamamagitan ng kanyang career-high na 35 points at sinundan naman siya ni Antonio Campbell na nakapagbigay ng 28 points at 15 rebounds.

Para naman sa Magnolia, si Justin Jackson at Paul Lee ang nanguna sa kanilang tig-21 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.