Tokyo Olympics huling hirit ni Hidilyn Diaz

By Justinne Punsalang June 10, 2018 - 04:40 PM SHARE(S):
AFP Photo

Magpo-focus na sa kanyang personal na buhay ang Pinay Olympic medalist na si Hidilyn Diaz.

Ito ang kanyang naging pahayag sa pagbubukas ng ikalawang Hidilyn Diaz Weightlifting Open Championships.

Ani Diaz, ang isasagawang Summer Games sa Tokyo sa 2020 ay posibleng kanyang maging huling pagsali sa Olympics.

Paliwanag ng 27 taong gulang na atleta, gusto na niyang bigyang prayoridad ang kanyang kasalukuyang karelasyon pagkatapos ng Olympics sa 2020.

Dagdag pa nito, binibigyan niya ng pagkakataon ang mga bagong atleta na makasali rin sa torneo at matupad ang kanilang mga pangarap.

Samantala, inaasahan namang lalaban si Diaz sa Asian Games na isasagawa sa Indonesia sa Agosto ngayong taon, maging sa Southeast Asian Games sa 2019.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.