NoKor Leader Kim Jong Un dumating na sa Singapore

By Justinne Punsalang June 10, 2018 - 04:37 PM

Vivian Balakrishnan Twitter

Lumapag na sa Singapore ang eroplanong lulan ang pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un.

Ito ay para sa inaabangang summit sa pagitan ng NoKor at Estados Unidos na magaganap sa Martes, June 12.

Mismong ang Minister of Foreign Affairs ng Singapore ang sumalubong kay Kim sa Changi Airport.

Namataang dumaan sa mga kalsada ng Singapore ang isang limousine na mayroong watawat ng North Korea at kasunod nito ang ilan pang mga itim na sasakyan.

Mayroong mga lumalabas na ulat na posibleng tumuloy si Kim sa St. Regis Hotel, kung saan maraming mga mamamahayag ang nag-aabang sa pagdating ng North Korean leader.

Inaasahan na sa isasagawang pagpupulong ng dalawang mga lider ay magpapatuloy na ang denuclearization ng NoKor at ang pagtatapos ng Korean War.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.