Habagat patuloy na nakakaapekto sa bahagi ng Luzon

By Justinne Punsalang June 10, 2018 - 03:56 PM

Nakaalis man sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Domeng ay patuloy naman na naaapektuhan ng hanging habagat ang ilang bahagi ng Luzon.

Sa huling abiso ng PAGASA, nakataas ang orange rainfall warning sa lalawigan ng Cavite.

Yellow rainfall warning naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Zambales, Bataasn, Tarlac, Batangas, at Laguna.

Asahan naman ang mahina hanggang sa katamtaman, na paminsan ay mabigat na pag-ulan sa buong Metro Manila, mga probinsya ng Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Rizal, at hilagang bahagi ng Quezon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.