NPA member, patay matapos maka-engkwentro ang tropa ng militar sa Apayao

By Mark Makalalad June 08, 2018 - 04:56 PM

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army Terrorist Group matapos maka-engkwentro ang tropa ng Northern Luzon Command (NOLCOM) Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, Spokesperson ng NOLCOM, nagsasagawa ng Focused Military Operations ang “A” company ng 17th Infantry Batallion nang makasagupa ang nasa 20 NPA Terrorists sa Sitio Aggingay Bassit, Brgy Malayugan, Flora, Apayao.

Tumagal ng 15 minuto ang bakbakan kung saan napatakbo na lamang ang mga NPA members sa papalayong direksyon.

Nakilala naman ang nasawi na NPA na si Danao Gualo Besuitan na galing pa ng Brgy Bural, Rizal, Cagayan.

Paliwanag ni Nato, nag ugat ang kanilang operasyon sa mga reklamo ng mga residente na nanggugulo ang mga NPA sa lugar.

Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operations ng militar sa mga natakas na NPA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

.

TAGS: AFP, Apayao, new people's army, Radyo Inquirer, AFP, Apayao, new people's army, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.