1 patay, 1 sugatan matapos mauwi sa pananaksak ang pustahan sa NBA finals

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 02:27 PM

Patay ang isang 28 anyos na lalaki makaraang saksakin ng kainuman nang magtalo sila tungkol sa katatapos na game 3 ng NBA finals.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Station 7 naganap ang insidente alas 10:31 ng gabi ng Huwebes sa Barangay San Roque.

Nasawi ang biktimang si Henry Bello Macapili habang sugatan naman ang 18 anyos na si Renevie Rose Macapili.

Arestado naman ng mga otoridad ang 25 anyos na suspek na si Marvic Jordan Macotocruz.

Ayon sa suspek, nagsimula ang pagtatalo tungkol sa pustahan nila sa kung sino ang mananalo sa pagitan ng
Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors.

Kwento ni Macotocruz, pinagtulungan siya ni Henry Macapili at isa pa nitong kasama kaya niya ito nasaksak.

Idineklarang dead on arrival sa Zamboanga City Medical Center si Henry Macapili habang ginagamot pa si Renevie Rose dahil sa tinamong saksak sa hita at palad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: nba finals, Radyo Inquirer, stabbing incident, Zamboanga City, nba finals, Radyo Inquirer, stabbing incident, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.