Notoryus na drug pusher, arestado sa Pampanga; P4M na halaga ng shabu, nasabat ng mga otoridad

By Mark Makalalad June 08, 2018 - 12:04 PM

Sa kulungan ang bagsak ng isang notoryus drug pusher matapos maaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office 3.

Kinilala ni Regional Drug Enforcement Unit Chief Police Supt. Rommel Batangan ang suspek na si Jay-Ann Salonga, 27 taong gulang.

Ayon kay Batangan, naaresto ang suspek sa Bagong Silang, Phase II, Brgy. Cutud, Angeles City Huwebes ng hapon.

Nakuha mula sa kanya ang 1 kilo ng shabu na na nakasilid sa brick aluminum plastic na nagkakahalaha ng mahigit P4 Milyon.

Bukod dito, nakuha rin sa suspek ang isang kalibre 40 na baril, 2 magazine, 3 cellphones, weighing scale, gunting at isang black ford ranger na may plakang AAJ 5127 at P1,500 na marked money.

Patong patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng suspek kabilang na ang paglabag sa section 5, section 11 at section 12 ng RA 9165 at paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunition.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug suspect, Pampanga, Radyo Inquirer, drug suspect, Pampanga, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.