Dalawa patay sa magkahiwalay na aksidente sa Davao City

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 08:33 AM

Nasawi ang dalawang lalaki habang sugatan ang limang iba pa sa dalawang aksidenteng naganap sa Davao City.

Unang naganap ang aksidente sa Diversion Road, Buhangin sangkot ang dalawang motorsiklo.

Kapwa nasawi ang driver ng nagbanggaang motorsiklo na sina Alex Mascariñas, 29 anyos, at Adrian Datuin, 28 anyos.

Habang sugatan naman ang angkas ni Datuin na nakilalang si Apdullah Magracia, 21 anyos.

Ayon sa mga otoridad, mabilis ang andar ng Mascariñas na natuklasan ring nakainom.

Bumangga ang motorsiklo na minamaneho ni Mascariñas sa motorsiklo na minamaneho ni Datuin nang mag-U-turn ito sa kabilang lane.

Samantala, sa bahagi ng Cabantian Road, nagsalpukan ang isang Elf truck at 10-wheeler truck Biyernes ng madaling-araw.

Nasugatan sa nasabing aksidente ang driver ng Elf truck na si Fernando Sulang matapos maipit.

Sugatan din ang apat pang sakay ng truck na nakilalang sina Edjohn Liag, Junmark Liag, Arnel Miguel at Remar Fernandez.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, Davao del Sur, Radyo Inquirer, Davao City, Davao del Sur, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.