Duterte walang balak magdeklara ng nationwide martial law

By Chona Yu June 07, 2018 - 07:58 PM

Inquirer file photo

Sa gitna ng isinusulong na radical change ay tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na malabo siyang magdeklara ng nationwide na martial law.

Paliwanag ng pangulo muli na namang mahahati ang bansa kapag ipinatupad ang batas militar sa buong Pilipinas.

Sa ngayon ang tanging umiiral ay ang nationwide state of emergency lamang matapos ang Davao City bombing noong September, 2016 at ang martial law sa Mindanao makaraan ang Marawi siege.

Tiniyak ng pangulo na walang pang-aabuso habang umiiral ang martial law sa mindanao region.

Ayon sa pangulo kailangan niyang ayusin muna ang gobyerno lalo na ang Philippine National Police at iba pang opisyal na sangkot sa korupsyon.

Umapela rin pangulo sa local executives na tumulong sa pagpapanatili sa peace and order dahil hindi kakayanin ng mga pulis na bantayan ang bawat pulgada ng Cebu o iba pang lugar.

TAGS: duterte, Martial Law, Mindanao, PNP, State of Emergency, duterte, Martial Law, Mindanao, PNP, State of Emergency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.