Random drug test sa media inihirit ni Representative Batocabe

By Erwin Agulon June 07, 2018 - 02:05 AM

INQUIRER File

Iminungkahi ni House Committee on Dangerous Drugs Vice Chairman at Ako Bicol Representative Rodel Batocabe na isailalim sa random drug test ang mga miyembro ng media.

Ayon kay Batocabe, mainam na gawin ang random mandatory drug test sa media upang malinis ang hanay ng mga ito.

Aminado naman ito na hindi matutukoy sa drug test kung ang isang indibidwal ay hindi naman gumagamit ng ipinagbabawal na gamot pero sangkot naman sa drug peddling at drug pushing.

Mas mabuti rin anya na sampahan na ng kaso kung totoong sangkot sa droga ang isang taga media at alisin na sa listahan kung mapapatunayang inosente ito.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng inilabas na updated Narco-list ng PDEA kung saan 800 ang nasa bagong listahan kasama na dito ang uniformed personnel, media, judges, empleyado ng gobyerno at mga government officials.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.