Suspek sa pagpatay kay Mayor Ronald Tirol ng Buenavista, Bohol, patay matapos manlaban sa mga otoridad

By Mark Makalalad June 06, 2018 - 10:16 AM

Patay na ang suspek na nasa likod ng pananambang kay Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol.

Ayon kay Bohol Chief Senior Supt. Angeles Genorga, natunton ng pulisya si Emigdio Aparece sa Sitio. Sta Ana, Brgy. Concepion, Danao, Bohol, kung saan sinubukan nila itong pasukuin pero sa halip na sumuko ay pinaputukan nito ang mga arresting officers.

Dito na nagkaroon ng engkwentro na nagresulta sa pagkakasawi ng suspek.

Si Aparace ay itinuturo ring lider ng Aparace Criminal Gang at itinuturing din na isa sa most wanted persons sa rehiyon.

Bukod dito, patung-patong din umano ang warrant of arrest laban sa suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang kalibre 45 na baril na kargado ng bala.

Matatandaang, May 27 nang si Tirol ay pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob ng isang sabungan sa Buenavista.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bohol, Radyo Inquirer, Reynaldo Tirol, Bohol, Radyo Inquirer, Reynaldo Tirol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.