Budget proposal ng Mindanao naisumite na sa DBM

By Erwin Aguilon June 04, 2018 - 08:27 AM

Naisumite na ng House Committee on Mindanao Affairs sa Department of Budget and Management ang budget proposal ng Mindanao para sa taong 2019.

Ayon kay Mindanao Affairs Committee Chairman Maximo Rodriguez, nais nila gawing 20% o P1.25 Trillion ng pambansang pondo ang alokasyon para sa Mindanao.

Aniya, 16.2% lamang ang inilaan na pondo sa Mindanao ngayong 2018 o P608 Billion habang sa loob naman ng apat na taon mula 2014 hanggang 2017 ay nasa 12.8% lamang ng national budget ang ibinibigay sa Mindanao.

Umaasa ang komite na ibibigay ang hiling na budget lalo pa’t pinakamataas ng poverty incidence ng Pilipinas ay nasa Mindanao na nasa 40%.

Nais din ng komite na maikukunsidera ang kanilang hiling na budget sa susunod na taon bago pa man maging ganap na batas ang Bangsamoro Basic Law.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: budget proposal, House of Representatives, Mindanao, budget proposal, House of Representatives, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.