1 PBA player at 2 ex-La Salle basketball players, sugatan matapos masangkot sa argumento sa isang bar sa BGC

By Isa Avendaño-Umali June 03, 2018 - 01:37 PM

Inquirer file photos
Sugatan ang tatlong basketball players matapos masangkot sa argumento sa isang bar sa Bonifacio Global City o BGC sa Taguig City.

Batay kay National Capital Region Police Office o NCRPO chief Guillermo Eleazar, ang PBA players ay sina Jeron Teng, Nobert Torres at Thomas Torres

Ang mga naka-away naman nila ay kinilalang si Edmar Manalo at Randy Casilla.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, dakong 2:30AM nang nakatambay ang grupo ni Teng sa isang bar sa BGC nang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga suspek.

Nagtamo ng saksak sa katawan si Teng habang sa braso naman ang tama kay Torres.

Isinugod ang mga biktima sa St. Lukes Medical Center sa BGC.

Ligtas na ang tatlo pero patuloy ang kanilang recovery.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa pinagsimulan ng argumento na nauwi sa saksakan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.