Phoenix Petroleum inunahan na ang ibang oil companies sa pagpapatupad ng rollback; big time rollback epektibo na ngayong araw

June 01, 2018 - 04:20 PM

Photo from www.phoenixfuels.ph

Taliwas sa nakagawian na ng mga kumpanya ng langis na magpatupad ng oil price adjustment tuwing araw ng Martes, ang kumoanyang Phoenix Petroleum nauna nang magpatupad ng rollback.

Ayon sa Phoenix, epektibo na mamayang alas 6:00 ng gabi (June 1) ang kanilang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Bawas na P1.40 ang ipatutupad ng Phoenix sa kada litro gasolina at P1.00 naman ang bawas sa diesel.

Ayon sa Phoenix ito ay para hindi na maghintay pa ng matagal ang mga motorista sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa Martes.

Linggu-linggo kasi ay araw ng Martes ang pagpapatupad ng price adjustment ng mga kumpanya ng langis, dagdag presyo man o bawas.

TAGS: big time rollback, oil companies, Phoenix petroleum, rollback, big time rollback, oil companies, Phoenix petroleum, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.