4 na drug suspects, arestado sa buy-bust operation sa Baguio

By Mark Makalalad May 29, 2018 - 12:22 PM

Arestado ang 4 na drug suspek sa drug buy-bust operation na ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Baguio City Police Office at PDEA Cordillera sa Felipe Jose Street, Lower Rock Quarry, Baguio City.

Nakilala ang mga suspek na sina Michael Dumagcao, 41 anyos; Alberto England, 28 anyos; John Michael Garcia, 30 anyos at Louie Clemente, 25 anyos.

Ayon kay Chief Supt. Edward Carranza, Regional Director ng Cordillera, nagawa pang manlaban ng mga suspek makaraang makatunog na poseur buyer lang pala ang kanilang katransaksyon.

Pinapatukan ng mga suspek ang mga operatiba at agad na tumakbo sa papalayong direksyon. Tyempo namang may saskayan na nakapwsto sa daanan dahilan para maharang ang mga suspek.

Inararo ng sasakyan ng mga suspek ang police vehicle sa pagpupumilit na makatakas hanggang sa dito na sila naipit sa metal railings at nasukol ng mga otoridad.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang Cal. 9mm Pietro Beretta, isang magazine para sa cal. 9mm; walong live ammunition; tatlong empty shells; isang fired bullet/slug; 2 cellphone at isang SUV na ginamit ng mga suspek sa kanilang transaksyon.

Sa ngayon, naisumute na sa Baguio City Police Office Crime Laboratory Office ang mga nakuhang ebidensya para isalalim sa eksaminasyon habang nakadite naman ang mga suspek sa Station 5 ng Baguio Police.

Wala naman naitalang sugatan sa operasyon sa parehong kampo.

Patung-patong na kasong kriminal ang kakaharapin ng mga suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: baguio city, drug suspects, Radyo Inquirer, baguio city, drug suspects, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.