Ilang lugar sa Davao City binaha

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 29, 2018 - 11:44 AM

Nakaranas ng pagbaha sa maraming lugar sa Davao City dahil sa naranasang magdamag na buhos ng ulan.

Binaha ang bahagi ng mga Barangay Lanang at Barangay Celedona sa Panacan.

Sa ibang lugar, lagpas baywang ang tubig baha at may mga bahay na pinasok.

Ang ibang residente nagkusa na ring lumukas at nagtungo sa mga evacuation centers.

Mayroon ding lumubog na sasakyan sa bahagi ng Laverna Hills.

Bago pa mag-hatinggabi, naglabas na ng abiso ang PAGASA at sinabing nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang maraming lalawigan sa Mindanao dulot ng Inter Tropical Convergence Zone.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, flashflood, ITCZ, rain, Davao City, flashflood, ITCZ, rain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.