Bagong appointment sa gobyerno, inilabas ng Malakanyang

By Chona Yu May 29, 2018 - 04:38 AM

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cheng Yong bilang isa sa limang Special Envoy sa China.

May 23 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Yong na may termino na anim na buwan.

Buwan ng Enero ng taong kasalukuyan nang italaga noon ng pangulo si Yong bilang special envoy kasama sina Fernando Selim Borja, Wallie Lee, Carlos Chan at Willam De Jesus na matatapos naman ang kanilang termino sa June 30 ng taong kasalukuyan.

Bukod kay Yong, itinalaga rin ng pangulo si Miguel Ayala bilang Special Envoy sa Australia at magsisimula ang kanyang termino sa July 1, 2018 at tatagal hanggang December 31, 2018.

Itinalaga rin ng pangulo si Amable Aguiloz bilang Special Envoy to the Gulf Cooperation council.

Magsisimula ang termino ni Aguiluz sa July 1, 2018 at tatagal ng hanggang June 30, 2019. /

TAGS: appointment, Malakanyang, appointment, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.