Suspek sa pagpatay sa isang mayor sa Bohol, tukoy na ng pulisya

By Rohanisa Abbas May 28, 2018 - 12:36 PM SHARE(S):

Tukoy na ng pulisya ang suspek sa likod ng pamamaril sa alkalde ng Buenavista, Bohol.

Ayon kay Chief Inspector Roly Lauron, hepe ng Buenavista police, nakatanggap ng mga banta sa buhay si Buenavista Mayor Ronald Tirol bago pa man siya tambangan.

Sinabi ni Lauron na tinutugis na ngayon ng pulisya sa suspek.

Aniya, posibleng pulitika at personal na rason ang motibo ng suspek sa pagpatay kay Tirol.

Una nang tinangkang patayin si Tirol noong 2016 pero nakaligtas ito.

Pinagbabaril ang alkalde sa kanyang sabungan dakong alas-3:00 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, Radyo Inquirer, Ronald Tirol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.