Akyat-bahay patay matapos manlaban sa pulis sa Rodriguez, Rizal

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 28, 2018 - 10:13 AM

Police banner

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Akyat-bahay gang makaraang manlaban sa isang pulis nang maaktuhan siyang pinapasok ang isang bahay sa Rodriguez, Rizal.

Naganap ang insidente sa Barangay San Rafael sa nasabing bayan alas 3:00 ng madaling araw.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, Regional Director ng Calabarzon Police, pinasok ng hindi nakilalang suspek ang bahay ng biktimang si Suzette Kareen sa Green Rose Subdivision.

Tinangka umano ng suspek na kunin ang cellphone ng biktima dahilan para magsisigaw ito at humingi ng tulong.

Nagkataon namang nakatira sa ‘di kalayuan ang pulis na si PO1 Antonio Perez na agad sumaklolo nang marinig ang komosyon.

Habang hinahabol ng pulis ang suspek ay bumunot ito ng baril pero naunahan na ito ng putok ni Perez.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: PNP, Radyo Inquirer, robbery suspect, Rodriguez Rizal, PNP, Radyo Inquirer, robbery suspect, Rodriguez Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.