WATCH: Lider ng Angolan Budol Budol Group at dalawang kasamahan nito, arestado ng CIDG

By Mark Makalalad May 28, 2018 - 10:10 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ng mga tauhan ng Crime Investigation and Detection Group ng National Capital Region ang lider ng Angolan Budol Budol Group at dalawang kasamahan nito.

Sa press conference na isinagawa sa Camp Crame, ipinrisinta ang mga nasukol na 3 suspek sa ikinasang entrapment operation sa Sunset drive corner Pacific Drive sa bisinidad ng Mall of Asia Arena nitong Byernes.

Nakilala ang mga naaresto na sina Aaron James, 44 anyos mula, Puerto Rico, Brown Awke Fonboh, 43 anyos mula USA at Gum Blanche Murphy, 28-anyos mula Angola.

Sa sumbong na natanggap ng CIDG, nabatid na nabiktima ng mga suspek ang isang Chinese noong May 14 makaraang paniwalain sya na ang kanyang P250,000 ay magiging US dollar gamit ang ilang paraphernalia mga kemikal.

Maliban dito, noong May 23, nanghingi rin ang Budol Budol gang ng P5 million sa biktima at pinangakuan sya na gagawin itong 100,000 US Dollars. Dito na nagpasaklo ang biktima sa CIDG na agad umaksyon.

Sa entrapment operation, nagawa pang lumaban ng 2 suspek na lalaki at nanuntok ng mga pulis na umaresto dito.

Nakuha mula sa mga suspek ang P5 million na halaga ng ultra violet powder, 4 na bote ng white liquid chemical, 1 plastic bottle body at face powder, 52 piraso ng fake 100 US dollar.

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng mga suspek kabilang na ang syndicated estafa, swindling, assault upon agent of persons in authority at resistance and disobedience.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Angolan Budol Budol Gang, PNP, Radyo Inquirer, Angolan Budol Budol Gang, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.