Hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa mga pulis sa QC

By Jong Manlapaz May 28, 2018 - 08:12 AM

Police banner

Dead-on-the-spot ang isa sa angkas ng isang motorsiklo makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District Station 1 sa Barangay Siena sa Quezon City.

Walang nakuhang identification sa napatay na lalaki na hinihinalang holdaper.

Nakasuot ito ng itim na t-shirt, itim na short pants at tsinelas.

Habang nakatakas naman ang kasamahan ng nasabing suspek na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon kay QCPD Station commander P.Supt. Robert Sales, ang engkwentro ay kasunod ng paghingi ng tulong ng isang nagngangalang Mica Hernandez na hinablutan ng bag ng riding-in-tande, habang naglalakad sa kahabaan ng Banawe Street.

Agad namang nagkasa ng follow-up operation ang pulisya hanggang makita ng mobile patrol division ang mga suspek sa bahagi ng Catalina Street sa Barangay Siena.

Maliban sa nabawing pouch bag ng babaeng biktima nakuhanan din ang suspek ng kalibre 38 na baril at isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: QCPD, Radyo Inquirer, riding in tandem, QCPD, Radyo Inquirer, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.