China kinondena ang pagpasok ng US Warships sa South China Sea

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 28, 2018 - 07:47 AM

Kinondena ng China ang ginawang paglalayag ng dalawang US Warships malapit sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Tinawag ng Defense Ministry ng China na isang “provocation” ang ginawa ng US.

Panghihimasok umano sa soberanya ng China ang ginawa ng US dahil pinasok ng warships nito ang Chinese territorial waters nang walang permiso.

Ayon kay Wu Qian, tagapagsalita ng defense ministry ng China, ang guided missile cruiser ng US na Antietam at destroyer na Higgins ay pumasok sa kanilang territorial waters sa Xisha Islands noong May 27.

Bilang aksyon, sinabi ni Wu na agad silang nag-deploy ng naval ships at aircraft para magsagawa ng legal identification at verification sa nasabing warships ng US at saka binalaan ang mga crew nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: China, Radyo Inquirer, South China Sea, US Warships, Xisha Islands, China, Radyo Inquirer, South China Sea, US Warships, Xisha Islands

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.