Credentials ng panibagong Indonesian envoy, tatanggapin ni Pang. Duterte ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 28, 2018 - 06:59 AM

Tatangapin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang credentials ng bagong Indonesian ambassador to the Philippines na si Sinyo Harry Sarundajang.

Si Sarundajang na matagal ng kaibigan ng pangulo ay itinalaga ni Indonesian President Joko Widodo bilang ambassador sa Pilipinas, Palau at Marshall Islands.

Parehong 73-anyos si Duterte at Sarundajang na magkaibigan na noon pang 1990s nang magsilbi ang huli bilang alkalde ng Buting City sa North Sulawesi Indonesia habang ang pangulo naman ay alkalde pa noon ng Davao City.

Sa katunayan ay bumisita pa ang pangulo sa bahay nito noong magtungo sa Silangang Indonesia at bumisita rin si Sarundajang sa Davao City at iba pang bahagi ng Mindanao noon.

Magaganap ang isang pulong sa pagitan ni Duterte at ng bagong Indonesian envoy matapos ang arrival honors mamaya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: envoy, indonesia, envoy, indonesia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.