Drug suspek patay sa engkwentro sa Caloocan

By Justinne Punsalang May 28, 2018 - 12:17 AM

Nauwi sa palitan ng putok ang ikinasang drug buy bust operation sa Barangay 181, Caloocan City.

Kinilala lamang ang mga suspek sa alyas na Diablo at Zak.

Ayon kay Police Senior Inspector Cecilio Tomas ng Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit, sa kalagitnaan ng transaksyon ay natunugan ni alyas Zak na pulis pala ang kanilang katransaksyon.

Dahilan ito upang paputukan nito ng baril ang mga otoridad na sila namang gumanti rin ng putok.

Natamaan ng mga pulis si ang dalawang suspek. Agad na isinugod si alyas Zak sa ospitang ngunit idineklara itong dead on arrival. Samantala, bagaman sugatan ay nakatakas naman si alyas Diablo.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad si alyas Diablo na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.