13 taong gulang na dalagita nahulog mula sa condominium sa Quezon City

By Justinne Punsalang May 28, 2018 - 12:12 AM

Patay ang isang dalagita matapos itong mahulog mula sa isang condominium sa Barangay Paligsahan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng tumalon ang 13 taong gulang na dalagita mula sa gusali, ngunit walang nakikitang dahilan ang mga ito upang magpatiwakal.

Hinala ng mga otoridad, gustong malaman ng biktima kung magagamit niya ang isang payong para magsilbing parachute sa kanyang pagtalon. Sa pinagbagsakan kasi ng biktima ay nakita ang isang payong na hawak-hawak nito.

Paalala ng mga pulis sa mga magulang, bantayan ang mga anak upang hindi na maulit pa ang kaparehong malagim na insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.