Lalaki, patay matapos magsalpukan ang motorsiklo at truck sa Zamboanga Sibugay

By Chona Yu May 27, 2018 - 12:18 PM SHARE(S):

Patay ang isang lalaki matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at truck sa National Highway, Sitio Gantason, Barangay Nazareth, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Dead-on-arrival ang biktimang si Reyman Dapat, 24-anyos at residente ng Barangay San Isido, Olutanga, – Zamboanga Sibugay.

Agad namang sumuko sa mga pulis ang drayber ng truck na si Ariel Gavia, 26-anyos at residente ng Kauswagan, Cagayan de Oro.

Nabatid na sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo nang mag-overshoot sa kurbadang bahagi ngkalsada dahilan para sumalpok sa paparating na truck.

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang biktima at agad na isinugod sa Kabasalan General Hospital.

Gayunman, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Dapat.

TAGS: banggaan, Reyman Dapat, banggaan, Reyman Dapat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.