3 umano’y drug pusher, patay sa anti-drug ops sa Cavite

By Chona Yu May 27, 2018 - 11:49 AM

Inquirer file photo

Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos magsagawa ng magkahiwalay na operasyon ang mga pulis sa Cavite.

Sa Barangay Paliparan 1, Dasmariñas City, patay ang suspek na nakilalang si alyas “dodi daga.”

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, regional diretor ng Region 4-A, nanlaban si alyas “dodi daga” kung kaya napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok.

Nakuha sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Barangay Molino, Bacoor City, patay din ang suspek na si Diego Ramos matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation.

Patay din ang isa pang suspek na si Crisenciano Regondola matapos manlaban sa mga pulis sa General Trias City.

Maghahain sana ng search warrant ang mga pulis nang bigla na lamang paputukan ng suspek.

Nakuha sa suspek ang isang caliber .38 na baril at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, 32 iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Cavite.

TAGS: anti-drug ops, CALABARZON police, cavite, anti-drug ops, CALABARZON police, cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.