Residential area sa Taguig, nasunog

By Angellic Jordan May 27, 2018 - 08:47 AM

Tinupok ng apoy ang hindi bababa sa walong kabahayan sa Barangay Ibayo Tipaz, Taguig bandang 11:00, Sabado ng gabi.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng kaguluhan sa isa sa mga bahay bago sumiklab ang sunog.

Madaling kumalat ang sunog dahil gawa sa light materials ang magkakadikit na bahay.

Maliban dito, makitid din ang daanan sa naturang lugar.

Dahil dito, nahirapan ang mga bumbero ng lugar na apulahin ang sunog kung kaya’t tumulong na rin ang mga bumbero ng ilang katabing lungsod.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) para alamin ang pinagmulan ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala sa lugar.

TAGS: Barangay Ibayo Tipaz, BFP, sunog, Barangay Ibayo Tipaz, BFP, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.