Holdaper na kumuha ng baril sa isang security guard sa Pasay, arestado

By Angellic Jordan May 27, 2018 - 08:38 AM

Inquirer file photo

Timbog ang hinihinalang holdaper na kumuha ng baril ng isang security guard sa Pasay.

Naganap ang pagtangay ng suspek sa guard sa isang laundry shop noong nakaraang dalawang linggo.

Naaresto ang suspek na si alyas ‘Philip’, 27-anyos at residente ng Barangay 719 sa Malate, sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa bahagi ng Fb Harrison.

Habang papalapit ang mga pulis, tumakbo agad ang suspek ngunit kalaunan ay nahuli rin ito.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 na baril na walang papeles.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition at pagnanakaw.

TAGS: alyas 'Philip', baril, alyas 'Philip', baril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.