Pinatay na dating kongresista sa La Union inilibing na

By Rohanisa Abbas May 26, 2018 - 07:23 PM

inquirer file photo

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang pinaslang na si dating La Union Representative Eufranio Eriguel.

Dakong alas-11:00 kaninang umaga nang ilibing siya sa Agoo Public Cemetery sa La Union.

Bago ito, nagsagawa muna ng misa para kay Eriguel sa Agoo Basilica.

Pinasalamatan ng pamilya nito ang mga nakiramay sa kanila.

Si Eriguel ay pinagbabaril noong May 12 sa miting de avance ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Barangay Capas, Agoo.

Inaresto na ang suspek na si Felizardo Villanueva na natalong kandidato sa nakalipas na halalan.

Naniniwala ang mga kaanak ng biktima na may kaugnayan sa pulitka ang pamamaslang sa dating mambabatas.

TAGS: agoo, ambush, barangay, eriguel, La Union, Villanueva, agoo, ambush, barangay, eriguel, La Union, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.