2 Pinay nurses patay sa aksidente sa Australia

By Alvin Barcelona May 26, 2018 - 05:35 PM

Inquirer file photo

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Filipina nurse ang nasawi sa isang car crash sa Australia nitong Biyernes.

Kaugnay nito, nagparating na si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ng pakikikaramay sa pamilya na naulila ng dalawang pinay na hindi muna nila kinilala.

Base sa report mula kay Philippine Ambassador to Australia Minda Cruz, Ang mga biktima ay sakay ng isang SUV na sangkot sa head-on collision sa isa pang SUV na minamaneho ng isang 65-anyos na lalaki malapit sa Canberra, Australia.

Bukod sa dalawang nurse  sugatan din sa aksidente ang asawa, tatlong anak at isa pang kaanak ng isa sa mga nasawi.

Inilarawan ng DFA ang mga nasawi na aktibong miyembro ng Filipino community sa Canberra.

Nadalaw na ni Ambassador Cruz ang mga nakaligtas sa aksidente at ipinaalam ang kahandaan na tumulong sa mga pangangailngan nito.

TAGS: accident, Australia, canberra, DFA, nurses, accident, Australia, canberra, DFA, nurses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.