Pulis-Maynila patay sa pamamaril sa Tondo

By Rohanisa Abbas May 26, 2018 - 03:55 PM

Inquirer file photo

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Ayon sa Manila Police District, kinilala ang biktima na si PO2 Carlo Pineda.

Nakikipag-inuman si Pineda malapit sa isang basketball court nang tambangan siya ng mga suspek.

Itinakbo sa ospital sa Pineda pero dead on arrival na ito.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Si Pineda ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Holding Admin Unit.

Bago ito, naka-assign siya sa homicide unit ng MPD.

TAGS: MPD, NCRPO, riding intandem, Tondo, MPD, NCRPO, riding intandem, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.