7 patay sa anti-illegal drugs operation sa Cotabato

By Jimmy Tamayo May 26, 2018 - 11:26 AM

Pito katao ang patay at dalawa ang sugatan sa joint operation ng pulis at military sa hinihinalang kuta ng mga drug suspects sa bayan ng Matalam sa North Cotabato.

Ayon sa North Cotabato Police Office, isisilbi sana ang isang search warrant sa balwarte ng drug suspect na sina Dadting Kasa at Intan Aban sa Sitio Biao, Brgy. Kilada alas 11:15 Biyernes ng gabi.

Agad umanong nagpaputok ang mga suspek dahilan para gumanti ng putok ang otoridad na agad na ikinasawi ng pito.

Kasama sa napatay sina Kasa at Aban.

Narekober naman sa lugar ang iba’t ibang uri ng armas kabilang ang isang .50 Caliber Barret sniper rifle, rocket-propelled-grenades at mga bala.

Wala namang nakuhang iligal na droga sa lugar ayon sa ulat ng mga otoridad.

TAGS: AFP, Cotabato, drugs, PNP, AFP, Cotabato, drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.