Bodyguard ng alkalde ng Mulanay, Quezon patay sa pamamaril

By Mark Makalalad May 26, 2018 - 11:20 AM SHARE(S):
PNP Calabarzon photo

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Sta Rosa, Malunay, Quezon.

Nakilala ang biktima na si Ruben Pontilar Subia na miyembro ng security group ng alkalde ng bayan ng Mulanay.

Base sa impormasyon na ipinadala ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, Director ng PNP-CALABARZON, naganap ang pamamaril ala-5:10 ng umaga kanina nang biglang paputukan ng dalawang hindi pa nakikilalang motorcycle gunmen ang biktima.

Agad naman na tumakas ang mga suspek at tumakbo sa papalayong direksyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pamamaril at inaalam pa ang motibo sa pamamaril.

Nagsasagawa na rin ng hot pursuit operations ang PNP at naglatag ng mas mahigpit na checkpoint sa lugar malapit sa Mulanay.

TAGS: bodyguard, Mayor, mulanay, PNP, bodyguard, Mayor, mulanay, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.