Dalawa patay sa engkwentro sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 26, 2018 - 06:16 AM

Patay ang dalawang drug suspects matapos mauwi sa engkwentro ang drug buy bust operation na ikinasa ng QCPD Station 10 sa Aurora Blvd Service Road, Quezon City.

Nakilala lamang sa mga alyas na Toto at Ariel ang mga suspek na isang linggong isinailalim sa surveillance ng mga pulis.

Ayon kay Station 10 Commander PSupt. Ariel Capocao, notoryus na tulak ng droga umano ang dalawa at konektado sa mga naaresto ring drug suspects sa Monte de Piedad.

Nakatunog umano ang dalawa na pulis ang kanilang mga transaksyon dahilan para na magpaputok ng baril si Toto habang bubunot na rin sana ng baril si Ariel na nagbunsod sa mga pulis na gumanti rin ng putok.

Narekober sa lugar ang dalawang kalibreng .38 ng baril, ilang sachet ng shabu at buy bust money na nagkakahalaga ng P1,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.