Jose Mari Chan, wala nang hihilingin pa sa tagumpay sa music industry

By Rhommel Balasbas May 26, 2018 - 05:33 AM

Kilala bilang ‘Christmas King’ kung saan awtomatikong naririnig ang kanyang mga awitin pagsapit pa lang ng Setyembre, ay wala na umanong mahihiling pa sa kanyang music career ang iconic singer-songwriter na si Jose Mari Chan.

Tanyag sa kanyang Christmas Songs tulad ng “Christmas In Our Hearts”, “A Perfect Christmas” at mga love songs tulad ng “Be Careful with My Heart” at “A Love to Last” nagpapasalamat si Chan na patuloy na binibigyang exposure ang kanyang mga awitin hanggang sa kasulukuyan.

Gayunman. Nagpahiwatig ang singer na ang kanyang “Gong Home to Christmas” ay maaaring ang kanyang huli ng Christmas album.

Anya, wala na siyang masusulat pa at naisulat na niya ang lahat ng kanyang gustong isulat tungkol sa Pasko.

Nagpasalamat ang singer-songwriter sa higit dalawang dosenang artists na tumulong para sa kanyang album na ito na inilabas noong 2012 tulad nina Ogie Alcasid, Gerard Salonga, Louie Ocampo at iba pa.

Bagaman hindi kasing phenomenal ng kanyang 1990 album na “Christmas In Our Hearts” na nakaabot sa double-diamond status at nakabenta ng higit 800,000 copies, ang kanyang “Going Home” ay nakapagtala ng double platinum certification.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.