Apat na patay sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila, nakilala na

By Alvin Barcelona May 25, 2018 - 06:29 PM SHARE(S):

Nauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District sa Sta. Cruz, Manila hapon ng Biyernes.

Namatay ang apat na drug personalities matapos na manlaban sa mga kagawad ng Plaza Miranda-PCP.

Base sa ulat ng Station 3 ng MPD, bumili ng droga ang poseur buyer sa apat na target ng operasyon.

Nang magkabayaran, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon na binunutan at pinaputukan nito ng baril.

Gumanti ng putok ang mga operatiba at napatay ang mga suspek.

Dinala pa sa ospital ang mga suspek na sina Ryan Diwata, Arnold Concido, isang alyas To at Ariel Buenaventura pero binawian din sila ng buhay.

Nakuha sa apat na suspek ang ilang sachet ng pinaghihinalaang shabu, ang buy bust money at apat na revolver na baril.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.