Umano’y drug lord sa Western Visayas at kanyang kaanak, patay sa shootout sa Bacolod City

By Rohanisa Abbas May 25, 2018 - 03:18 PM

Google Maps

Patay ang lider ng isang notorious drug group at kaanak nito habang arestado naman ang apat na iba pa, kabilang ang isang pulis sa Bacolod City.

Kinilala ang napatay na suspek na si Ramy Poja, lider ng Poja Drug Group. Nakabinbin ang kanyang arrest warrants para sa kaso ng armas at iligal na droga.

Kinilala naman ang isa pang nasawi na si Roberto Lim alyas Bobby na isang high-value target.

Una nang tinangkang arestuhin si Poja noong 2015, 2016 at February ngunit nakatakas ito matapos hagisan ng granada ang mga pulis.

Number one most wanted person ng Police Station 3 at itinuturing na drug lord si Poja sa Bacolod City at Western Visayas.

Ayon kay Senior Supt. Francisco Ebreo, acting Bacolod police chief, nauwi sa engkwentro ang operasyon matapos manlaban ang dalawang suspek.

Nasugatan naman sa insidente si Senior Insp. Victor Paulino, at sugatan din sa crossfire ang dalawa katao.

Nakumpiska ang matataas na kalibre ng baril at P840,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Tumagal nang 15 oras ang operasyon laban kina Poja at Lim.

TAGS: buy bust, drug lord, drug war, engkwentro, shootout, buy bust, drug lord, drug war, engkwentro, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.