Sanggol nakaligtas sa aksidente; kaanak humihingi ng tulong

By Rhommel Balasbas May 25, 2018 - 04:09 AM

Isang siyam na buwang sanggol ang milagrong naligtas matapos ang car crash na naganap sa Libmanan, Camarines Sur noong Martes.

Kinilala ang miracle baby na si baby Naoki William Maner Peña bagama’t sa kasamaang palad ay nasawi ang aksidente ang kanyang ama na si Ronel at Swiss national na inang si Susanne.

Viral ngayon sa social media ang panawagan ng kanyang kaanak para sa pangangailangan ng bata tulad ng breastmilk, diapers at mga damit.

Ayon kay Aisha Peña Namoro, pinsan ng ama ng bata, naka-confine ngayon sa Mother Seton Hospital sa Naga City si Naoki dahil kailangang sementuhin ang kaliwang binti nito na nagtamo ng pinsala.

Kinailangan din umano itong bigyan ng lunas dahil sa dinaranas nitong impeksyon sa baga.

Samantala, nasawi rin sa aksidente ang isang public elementary school principal sa bayan ng Libmanan na kinilalang si Leoncia Mangarin, 58 anyos.

Sa mga gustong tumulong para kay baby Naoki ay maaaring kontakin si Richelle Peña Robosa sa 09503633376 o sadyain ang pedia ward ng Mother Seton Hospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.