Jet Li nilinaw na maayos ang kanyang kalagayan

By Justinne Punsalang May 25, 2018 - 12:00 AM

Jet Li Facebook Page

Nagpasalamat ang action star na si Jet Li sa kanyang mga tagahanga na nag-alala tungkol sa kanyang kalusugan.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang litrato ni Jet Li na mukhang tumanda at wala nang buhok.

Sa official Facebook page ng aktor ay tiniyak ni Jet Li ang kanyang mga fans na maayos ang kanyang kalagayan. Sa katunayan aniya ay nananabik siyang ibahagi ang mga movie projects na kanyang gagawin.

Sa isang panayam ay nilinaw pa ng manager ni Jet Li na si Steve Chasman na mayroong sakit na hyperthyroidism ang action star at sampung taon na niya itong iniinda. Ngunit paglilinaw nito, hindi naman life-threatening ang naturang sakit.

Aniya pa, 55 taon na ang aktor.

Samantala, kabilang naman sa mga proyektong nakahanay para kay Jet Li ang live-action adaptation ng ‘Mulan’ na inaasahang ipapalabas sa March 2020.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.