Taxi driver patay sa pamamaril sa Quezon City

By Justinne Punsalang May 25, 2018 - 12:05 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Barangay Batasan Hills, sa lungsod Quezon.

Kinilala ang biktimang si Mario Ferrer, 41 taong gulang at nagtatrabaho bilang isang taxi driver.

Kwento ng kinakasama ng biktima na si Evelyn Abiog, nagkukwentuhan lamang sila habang umiinom sa labas ng kanilang bahay nang bigla na lamang dumating ang dalawang lalaking suspek at malapitan itong pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay kaswal na naglakad paalis ang mga suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 4 na basyo at 4 na bala ng kalibre 45 baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa motibo ng pamamaslang, kasabay ng pagtugis sa mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.