Dalawang lalaki napaslang sa buy bust operation sa Laguna

By Justinne Punsalang May 25, 2018 - 12:03 AM

Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos mauwi sa palitan ng putok ang ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Real, sa Calamba, Laguna.

Kinlala ang mga suspek na sina Edwin Manaig alyas “Tone” at Efren Manaig.

Ayon kay Police Superintendent Rossel Cejas, kasalukuyang officer-in-charge ng Calamba City Police, natunugan ng mga suspek na pulis pala ang kanilang katransaksyon, dahilan upang bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta naman sa pagkamatay ng dalawang suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.