5 drug suspek arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Cubao, Quezon City

By Justinne Punsalang May 25, 2018 - 02:13 AM SHARE(S):

Timbog sa dalawang magkahiwalay na operasyon ang limang mga drug suspek sa Cubao, Quezon City.

Unang naaresto ang tatlong kalalakihan sa Farmer’s Market sa Barangay Socorro matapos magsagawa ng Oplan Galugad ang Quezon City Police District (QCPD) Station 7 sa loob ng nasabing pamilihan. Ito ay matapos maaktuhang nagsasagawa ng pot session sa loob ng kanilang stall sa palengke.

Nakilala ang mga suspek na sina Melchor Catabian, 33 taong gulang; Mark Pia, 28 taong gulang; at Erwin Giba, 18 taong gulang.

Samantala, arestado naman sa pamamagitan ng buy bust operation ng QCPD Station 7 ang dalawang lalaki na nakilalang sina Nicodemo Atencia, 35 taong gulang; at Modesto Encila, 36 na taong gulang, sa Barangay San Martin De Porres.

Narekober mula sa dalawa ang walong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Mahaharap ang mga arestadong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.