Imbestigasyon sa tumaob na bus sa Batangas hawak na ng HPG

By Mark Makalalad May 25, 2018 - 01:46 AM

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang malalimang imbestigasyon sa bus na bumaliktad sa bahagi ng Tanauan, Batangas.

Ayon kay CALABRZON police director Chief Superintendent Guillermo Eleazar nai-turn over na ng Tanauan PNP sa kamay ng Highway Patrol Group (HPG) ang gulong ng imbestigasyon.

Bukod dito ay hawak na rin ng HPG ang driver ng Dela Rosa Liner bus na si Joselito Nono.

Sa naganap na aksidente, isa ang kritikal na nakilalang si Mary Labay, 74 na taong gulang at tubong Oriental Mindoro.

Samantala, all accounted naman ang mga pasahero na sakay ng bus kasama ang driver at konduktor nito.

24 sa mga pasahero ay dinala sa CP Reyes Hospital sa Tanauan, 16 ang dinala sa Mercado Hopital sa Tanuan, 10 sa Lipa Medical Hospital, at 2 sa Cabrini Hospital sa Sto. Tomas, Batangas.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, ala-1:15 ng hapon ng Huwebes nang habang binabagtas ng bus ang northbound lane ng STAR Tollway ay tumaob ito matapos mawalan ng kontrol ang bus dahil sa pag-iwas sa sasakyan sa harapan nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.