Malampaya Fund paiimbestigahan ni Pangulong Duterte

By Chona Yu May 25, 2018 - 01:32 AM

Ipapabususi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Malampaya Fund.

Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng Davao River Bridge sa Carlos P. Garcia Highway sa Davao City, ay sinabi nito na binastos at kinurakot lamang ang pondo sa Malampaya.

Ayon sa pangulo, darating din ang araw na paiimbestigahan niya ang pondo ng Malampaya.

Giit pa ng pangulo, hindi siya papayag na mawala na lamang ang pondo ng Malampaya lalo na’t istrikto siya sa paggastos sa pera ng bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.